Delivering Excellence, One Message at a Time: Sonny Acuesta Shares His 30 Years of Service at P&A Grant Thornton

Sonny Acuesta reflects on his remarkable years at P&A Grant Thornton.

 

"Hindi man P&A ang unang trabaho ko, dito ako nagtagal at naging mas mahusay. Sa buong 30 na taon ko rito, naging pamilya ko na ang mga taong nakasama ko sa P&A. Naging masaya rin ang trabaho ko rito kasi iba’t ibang unit din ang nahawakan ko. Pero syempre, hindi lahat ng karanasan ko ay naging madali.  

Maraming pagsubok din ang  nadatnan ko sa loob ng mga taong ‘to. Mano-mano pa dati ang lahat ng mga pagrehistro kaya mas mahirap ‘yung mga proseso. Pero kahit na mahirap, marami akong natutunan kaya ito’y nagpabuti sa ‘kin. Ngayon, masaya akong sabihing nakarating ako sa kung nasaan ako: isang Supervisor ng General Administration.

Sa loob ng 30 na taon, magbago man ang sistema o dumami man ang pagsubok sa buhay, isang bagay ang hindi nagbabago: ang tunay na malasakit ng P&A sa ‘min. Kahit sinoman, hindi nila pinababayaan ang mga tao nila.

Siguro malaking epekto na rin ang pagtrato ng mga partners at founders sa ‘min dahil mapagkumbaba sila at madaling lapitan. Lahat ng bigay na benepisyo, trainings, at kung paano nila tulungan kami ay mas lalong nagpapatunay na karapat-dapat ang posisyong mayroon sila ngayon.

Sana magpatuloy pa rin ang kultura ng P&A na puno ng saya at tulungan. Kahit hindi man ako nandito sa P&A hanggang sa huli, matutuwa pa rin ako ‘pag makikita kong laging umuunlad ang pangalawang tahanan ko."